Reviews

Dahil Hindi ko Nakita

Kita kita movie poster. ©Google Images

Isa. Isa ang pelikulang ito sa mga bagay na nagpamukha saking change has come, indeed. Ang pagiging nanay, babaguhin at babaguhin talaga ang mga routines at perspective mo sa buhay, sa ayaw mo man o hindi. Pero isa akong masaya at mabuting Ina. Isang beses ko lang pinag-isipan kung sasama ba kong manuod ng pelikulang ito o iwanan at ipaalaga sa iba ang beybi ko.

Dalawa. Sige na, oo na. Hindi pala isa, kundi dalawang beses kong pinag-isipan. Did it make me a horrible mother now?

Tatlo. Tatlong beses ko pa naman pinilit si Jona na manlibre ng sine, tapos ako pa palang di makakasama. Pero dibale. May higit tatlong paraan pa naman para mailibre nya ako. #tatlongliboparasabinyagniBabyElla

Apat. Apat na oras wala ang mga kapatid at Mama ko sa bahay kahit pa napakalapit lang ng SM samin. Apat na oras ang ginugol nila para sa pelikulang ito, pero sabi ni Mama, hanggang bago daw sya matulog ay iniisip nya pa rin yung mga nangyari kay Lea at Tonyo. Ganun nya ka- #feels yung movie.

Lima. Limang minuto tuloy kaming late sa Misa kinabukasan, dahil panay pa ang kwentuhan namin tungkol sa mga plot twists kesa ang umalis na agad.

Anim. Anim na beses ko din kasing kinulit ang kapatid ko para magshare sya sakin ng mga spoilers at ano ba talaga yung twist sa dulo. Sorry Lord (6x).

Pito. Pitong araw na ang lumipas mula nang unang nilabas sa mga sinehan yung pelikula. Ilang araw pa kaya ang hihintayin ko bago magkaroon ng HD nito sa internet?

Walo. Walong beses na ata akong nakabasa ng ganitong listahan sa mga blog posts at status sa facebook. Pero alam kong higit pa sa walo ang mga taong nakitawa at nakiiyak sa dalawang bida. Higit pa sa walo ang natuwa at nainlove kay Empoy. Higit pa sa walo ang nagsabing simple pero maganda ang pelikula, na may pag-asa pa din ang Philippine cinema na magkaroon ng mga palabas na hindi lang puro commercial, pero may laman at kurot sa puso. Yung tipong meron kang mababaon paglabas mo ng sinehan, dahil napag-isipan talaga yung storya.

Siyam. Sana sa pangSiyam na blog post o status na mababasa ko tungkol sa movie na ito, meron nang nakapansin na isang stalker si Tonyo. Batuhin nyo na ko ng tinapay dahil wala kong karapatang ijudge ang inyong leading Man nang di ko pa napapanuod yung movie, pero stalking ang ginawa nya kay Lea. Isa syang stalker na may ready-ng Banana costume sa bahay.

Sampu. Magkakaroon din ako ng mas matinong listahan ng Sampung realizations pag nakita ko na ang Kita kita. Sa ngayon, eto muna habang inuubos ko ang aking pang-Sampung kape habang nag-aalaga sa aking Sampunging beybi. (Joke lang✌ Pangalawang kape pa lang ako, at hindi sumpungin ang baby ko😛)

©Google Images

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

August 3 UPDATE: Nagkita-kita na din kami sa wakas nila Tonyo at Lea. Kahit di na ko nabigla sa mga napanood ko, #feels ko pa din yung pelikula. Thank you KZ.💔

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s